profile
the girl next door


Anneee. ;DD
Incredibly insane. Totally out of this world. Maybe from outer space. Has a wide imagination. Out of control. Loner. Crazy. Obsessed with Chuck B. Married to him.

tagboard
scream out loud


archives
gone with the wind

September 2009
October 2009
you're on your way

your links go here,
sophee
ceejay
link
link
link
link
link

drumrolls
take a bow

Designer
Colours / Headers
Icon
idioticsoul.blogspot.com

bad trip...?
Tuesday, October 6, 2009
Eto na naman ako sa panibagong chika. :))

Eto, late na naman ako. Bakit ba kasi ang traffic2x sa Emilio Aguinaldo Highway. Umabot na ata ako dun sa Panatang Makabayan. Akala ko naiwan ko yung salamin ko. Magdamag akong naghanap sa kuwarto ko at sa buong bahay namin tapos biglang NASA BULSA NG PALDA KO PALA. OMG. Napaka-krungkrung ko talaga.

Hmm, English time eh okay lang. Wala namang extra-ordinary na nangyari kaya ayun. Next subject, Math. Napakabait niya talaga. Ang sarap sabihing 'HOY! KOPYA KA NG KOPYA! AKALA MO DI KO ALAM PERO ALAM MO BANG HALATANG NANGONGOPYA KA?!" pero parang ganito yung lalabas kung magsalita ako: 'O sige. Kopya lang ng kopya. Alam mo namang di kita matitiis eh.' AYUS. Ewan ko ba pero natatameme ako sa tuwing nagtatanong siya sa akin. Di ko tuloy alam kung tatakpan ko nalang yung mga sagot ko o ako na mismo yung magsagot ng libra niya. LechFlan naman kasi yung Math namin eh. Addition and Subtraction of Radicals. Sounds easy, pero sounds lang. Kung mathematician ka eh maaari ka ng umalis dito at magsagot na lang ng nakaka-umay na mga math problems.

Science na. Pangalawang practical exam namin. Identify the parts of the Skeletal, Muscular, at Digestive system. May rectus abdominis, may humerus, may liver, may deltoid, may femur, at meron ding small at large intestine. Namemorize ko naman kahit papaano yung Skeletal pero nakakaloko talaga yung muscular. Ewan ko ba kung saan nila nakuha yung mga pangalan o sadyang mga malikhain na imbentor ng pangalan sila. Pagkatapos ng Science eh kumain muna kami ng lunch. Pagkatapos ng lunch eh Computer time na. Nagcheck lang si Sir M ng project (kuno) namin. Eh tapos na ako kaya bumaba nalang kami agad. Tapos nagkantahan kami ng todong-todo hanggang namamaga na yung mga lalamunan namin. Pumunta kami sa Auditorium tapos nagsound trip. Yung mga boys eh nag-Table Tennis habang kami eh nagsound trip courtesy of Sophee. Tapos nagrequest sila ng One Time. BAKIT ONE TIME PA? Ewan ko sa sarili ko pero hindi ko feel yung kantang One Time or even si Justin B. It's not excatly my type and kahit ilang beses ko siyang ipatugtog eh hindi ko pa rin siya magustuhan. MAPEH time na pero dahil varsity ako eh, excempted ako sa MAPEH. Ang ginawa ko nalang eh kinumpleto ko yung lecture ko sa Social S. Atlast. Social Studies. Nagreport na si Nathaniel. Hindi ako kumopya o maski nakinig. Tinitigan ko lang po siya ng bonggang-bongga. =)) HAHA. Hindi naman sa lahat ng oras kasi kadaldalan ko si Janelyn. Natatawa talaga ako kay KSP Girl kasi nakalagay dun sa report niya Maikling Kasaysayan. Mukhang wala sa dictionary niya yung salitang maikli. =))

Ayun. Natapos na naman ang isang subject. Florante at Laura kami ngayon. Kinakabahan kami kasi bumubunot si Ms. M ng mga papel tapos pag-rerecite-in. Nakakakaba talaga, AS IN. Ewan ko kung bakit ako kinakabahan pero drawing lang naman yung akin. Sa row namin, si Janelyn lang yung nabunot. Nagpapasalamat ako kasi hindi na nagtawag si Ms. M ng pag-eexplain-in. Nakahinga ako ng mabuti non. Ewan ko pero parang kasing bilis ng kidlat. Bigla nalang binigay sa akin ni Nathaniel yung number niya. Siguro na rin kasi, rare ang breed ng tao na Smart ang sim niya kaya no choice na makipagtext diba. Nanghingi siya ng papel tapos sinulat niya yung number niya. Si Lola Ly naman nang-aasar pa. May pasiko-siko pang nalalaman. Baka gusto niyang magsikuhan kami. :)) OO NGA PALA. Tinanong niya rin kung nag-online ako kahapon. Eto yung parang pag-uusap namin kanina:

Nate: Anne, Nag-online ka ba kahapon?
Anne: Oo, bakit?
Nate: Nag-online ka? Eh bakit di kita naabutan?
Anne: Mga 8 na rin kasi ako nakapag-bukas eh. :/
Nate: Ahh. 7 kasi ako nagbukas eh. *nakakatunaw na smile*
Anne: Ahh, okay. :] *pilit tinatago ang kiligacious na nararamdaman*


Values time na. Buti nalang nakapag-dala ako ng rosary. Rosary month na kasi sa amin. Last year nung 1st year pa kami at nung nasa 1B pa ako, ako yung napiling magleader sa buong VelMa. Kasama ko nun si Rafael na isa ring sakristan katulad ni you-know-who. Sabi nila para daw akong taga-simbahan talaga dahil sa pagsasalita ko. Basta ayun. Kanina, si Nick yung naglead sa amin. Sayang, si Nate kasi ayaw maglead. (doh) Pagkatapos nun eh bumalik na kami sa classroom tapos TLE Time na. Nagcheck kami ng test papers kung saan marami ang nag-*censored*. Alam niyo na siguro kung ano yan. Ipost niyo sa tagboard yung hula niyo tapos i-special mention ko kayo sa mga susunod na blog post ko. PAROL NA NAMAN, B'SET! Di ko natapos yung parol ko last year kaya hanggang ngayon eh clueless pa rin ako. Nagbabalak ako na ipagawa nalang yun sa Papa ko. :)) PAANO BA NAMAN. October 19 na yung pasahan. HAYS. Tinawag na pala nun yung mga kasali sa cheering. Nagloko yung iba kong mga kaklase tapos eto yung sabi nila na kesyo kasama sila sa cheering at pangalan ng grupo nila eh Jabbawockeez. Sabi ko, mali sila. Kasi kami yung JAWOBBOCKEEZ. =)) Parody lang. Trip ko lang. At wala kayong magagawa. :> Ayun, chess training which is totally non-stressful kasi hindi kami masyado nagtraining. Practice kasi nung mga 4th year sa cheering eh sa 4th year room kami nag-ttraining.



Tapos na ang nangyari ngayon. Well, random thought lang ito:

Gusto kong magsulat ng kanta or story kasi inspired ako, kaso I have no time and inaatake pa ako ng katamaran...


Dito na nagtatapos ang blog post ko.

byeeeeeeeeeeeeeeeeeeeeee.


(back to the top.)