profile
the girl next door


Anneee. ;DD
Incredibly insane. Totally out of this world. Maybe from outer space. Has a wide imagination. Out of control. Loner. Crazy. Obsessed with Chuck B. Married to him.

tagboard
scream out loud


archives
gone with the wind

September 2009
October 2009
you're on your way

your links go here,
sophee
ceejay
link
link
link
link
link

drumrolls
take a bow

Designer
Colours / Headers
Icon
idioticsoul.blogspot.com

confused.
Sunday, October 18, 2009

I don’t know why I wont ever learn that my Romeo isn’t ready to die for me, that my Prince Charming isn’t interested to know who owns the half of my pair of glass shoes, that my Jack would just leave me dying with the sunken ship, that my Peter Pan is not with me forever and that he, the one I love, is just someone whom I am stupidly in love with, with the dream that one day he will realize that there is a happily ever after that can be found in me.


trip ko lang magpost. :D


(back to the top.)


superman.
Wednesday, October 14, 2009

``I've been searching for my SUPERMAN-- but I found you.``

Tawag ko na sa kanya eh si Superman. Ewan ko ba pero ang dami ko nang codename sa kanya. Naging panda na siya, naging werewolf, naging GG character, at ngayon, superhero na siya. :"> Ewan ko. Basta, namimiss ko na siya ngayon. :c

MADUGONG EXAMSSSSSSSssssssss. LITSE KA, 626! Meron bang enumeration na 40 ITEMS? Take note: minor subject lang yan. Pero kung ituring niya yung subject niya eh, parang major na. Mas mahirap pa nga yung subject niya sa Bio namin eh. Ampfness to the max. Nakakatuwa kanina kasi nagsalu-salo kami nila Jea, Darmina at Princess sa lunch ko na Tokyo Tokyo. Galing rin kasi ako sa McDo at ang dami rin nung ulam kaya shinare ko nalang sa kanila. Hindi niyo lang alam, mabait talaga ako. WEEEEEEE. May crush ako kay Jayson ng PBB. Wala lang. HAHA. Naccute-an ako sa kanya. c:< Niyahaha. :)) Nababanas ako kay Rica, yung transexual, kasi SAKSAKAN NG LANDEEEH. :P Kawawa naman po si Rob. :'c Pati rin si Jimson. :o Haysss. Miss ko na si TOFFYYYYYyyyyy. =))))))))))))) HAHAHA. :P

Tama na nga. Ayoko na. Nood muna ako ng PBB.

byeeeeeeeeeeeeeeeeee. :]


(back to the top.)


bad trip...?
Tuesday, October 6, 2009
Eto na naman ako sa panibagong chika. :))

Eto, late na naman ako. Bakit ba kasi ang traffic2x sa Emilio Aguinaldo Highway. Umabot na ata ako dun sa Panatang Makabayan. Akala ko naiwan ko yung salamin ko. Magdamag akong naghanap sa kuwarto ko at sa buong bahay namin tapos biglang NASA BULSA NG PALDA KO PALA. OMG. Napaka-krungkrung ko talaga.

Hmm, English time eh okay lang. Wala namang extra-ordinary na nangyari kaya ayun. Next subject, Math. Napakabait niya talaga. Ang sarap sabihing 'HOY! KOPYA KA NG KOPYA! AKALA MO DI KO ALAM PERO ALAM MO BANG HALATANG NANGONGOPYA KA?!" pero parang ganito yung lalabas kung magsalita ako: 'O sige. Kopya lang ng kopya. Alam mo namang di kita matitiis eh.' AYUS. Ewan ko ba pero natatameme ako sa tuwing nagtatanong siya sa akin. Di ko tuloy alam kung tatakpan ko nalang yung mga sagot ko o ako na mismo yung magsagot ng libra niya. LechFlan naman kasi yung Math namin eh. Addition and Subtraction of Radicals. Sounds easy, pero sounds lang. Kung mathematician ka eh maaari ka ng umalis dito at magsagot na lang ng nakaka-umay na mga math problems.

Science na. Pangalawang practical exam namin. Identify the parts of the Skeletal, Muscular, at Digestive system. May rectus abdominis, may humerus, may liver, may deltoid, may femur, at meron ding small at large intestine. Namemorize ko naman kahit papaano yung Skeletal pero nakakaloko talaga yung muscular. Ewan ko ba kung saan nila nakuha yung mga pangalan o sadyang mga malikhain na imbentor ng pangalan sila. Pagkatapos ng Science eh kumain muna kami ng lunch. Pagkatapos ng lunch eh Computer time na. Nagcheck lang si Sir M ng project (kuno) namin. Eh tapos na ako kaya bumaba nalang kami agad. Tapos nagkantahan kami ng todong-todo hanggang namamaga na yung mga lalamunan namin. Pumunta kami sa Auditorium tapos nagsound trip. Yung mga boys eh nag-Table Tennis habang kami eh nagsound trip courtesy of Sophee. Tapos nagrequest sila ng One Time. BAKIT ONE TIME PA? Ewan ko sa sarili ko pero hindi ko feel yung kantang One Time or even si Justin B. It's not excatly my type and kahit ilang beses ko siyang ipatugtog eh hindi ko pa rin siya magustuhan. MAPEH time na pero dahil varsity ako eh, excempted ako sa MAPEH. Ang ginawa ko nalang eh kinumpleto ko yung lecture ko sa Social S. Atlast. Social Studies. Nagreport na si Nathaniel. Hindi ako kumopya o maski nakinig. Tinitigan ko lang po siya ng bonggang-bongga. =)) HAHA. Hindi naman sa lahat ng oras kasi kadaldalan ko si Janelyn. Natatawa talaga ako kay KSP Girl kasi nakalagay dun sa report niya Maikling Kasaysayan. Mukhang wala sa dictionary niya yung salitang maikli. =))

Ayun. Natapos na naman ang isang subject. Florante at Laura kami ngayon. Kinakabahan kami kasi bumubunot si Ms. M ng mga papel tapos pag-rerecite-in. Nakakakaba talaga, AS IN. Ewan ko kung bakit ako kinakabahan pero drawing lang naman yung akin. Sa row namin, si Janelyn lang yung nabunot. Nagpapasalamat ako kasi hindi na nagtawag si Ms. M ng pag-eexplain-in. Nakahinga ako ng mabuti non. Ewan ko pero parang kasing bilis ng kidlat. Bigla nalang binigay sa akin ni Nathaniel yung number niya. Siguro na rin kasi, rare ang breed ng tao na Smart ang sim niya kaya no choice na makipagtext diba. Nanghingi siya ng papel tapos sinulat niya yung number niya. Si Lola Ly naman nang-aasar pa. May pasiko-siko pang nalalaman. Baka gusto niyang magsikuhan kami. :)) OO NGA PALA. Tinanong niya rin kung nag-online ako kahapon. Eto yung parang pag-uusap namin kanina:

Nate: Anne, Nag-online ka ba kahapon?
Anne: Oo, bakit?
Nate: Nag-online ka? Eh bakit di kita naabutan?
Anne: Mga 8 na rin kasi ako nakapag-bukas eh. :/
Nate: Ahh. 7 kasi ako nagbukas eh. *nakakatunaw na smile*
Anne: Ahh, okay. :] *pilit tinatago ang kiligacious na nararamdaman*


Values time na. Buti nalang nakapag-dala ako ng rosary. Rosary month na kasi sa amin. Last year nung 1st year pa kami at nung nasa 1B pa ako, ako yung napiling magleader sa buong VelMa. Kasama ko nun si Rafael na isa ring sakristan katulad ni you-know-who. Sabi nila para daw akong taga-simbahan talaga dahil sa pagsasalita ko. Basta ayun. Kanina, si Nick yung naglead sa amin. Sayang, si Nate kasi ayaw maglead. (doh) Pagkatapos nun eh bumalik na kami sa classroom tapos TLE Time na. Nagcheck kami ng test papers kung saan marami ang nag-*censored*. Alam niyo na siguro kung ano yan. Ipost niyo sa tagboard yung hula niyo tapos i-special mention ko kayo sa mga susunod na blog post ko. PAROL NA NAMAN, B'SET! Di ko natapos yung parol ko last year kaya hanggang ngayon eh clueless pa rin ako. Nagbabalak ako na ipagawa nalang yun sa Papa ko. :)) PAANO BA NAMAN. October 19 na yung pasahan. HAYS. Tinawag na pala nun yung mga kasali sa cheering. Nagloko yung iba kong mga kaklase tapos eto yung sabi nila na kesyo kasama sila sa cheering at pangalan ng grupo nila eh Jabbawockeez. Sabi ko, mali sila. Kasi kami yung JAWOBBOCKEEZ. =)) Parody lang. Trip ko lang. At wala kayong magagawa. :> Ayun, chess training which is totally non-stressful kasi hindi kami masyado nagtraining. Practice kasi nung mga 4th year sa cheering eh sa 4th year room kami nag-ttraining.



Tapos na ang nangyari ngayon. Well, random thought lang ito:

Gusto kong magsulat ng kanta or story kasi inspired ako, kaso I have no time and inaatake pa ako ng katamaran...


Dito na nagtatapos ang blog post ko.

byeeeeeeeeeeeeeeeeeeeeee.


(back to the top.)


new layout
Monday, October 5, 2009
new layout. ;)

open for link-exchanges. :D


(back to the top.)


ETO NA PO, MA'AM SOPHEE KIM. >.>
SAWANG-SAWA NA AKO MAG-ENGLISH. Kaya, tagalog na 'tong blog na 'to simula ngayon. Ang tagal ko na rin palang hindi na-update yung blog ko. Sabi nga nila, iba talaga kapag sinumpong ka ng katamaran. Pati project ko nga, di ko mapasa eh. >.> Anyhoo, magkukuwento na nga pala ako. Wala ka na talagang magagawa kundi magbasa. :))

AYUN. Super nicee nang love story ko ngayon. Hindi love life, kasi mala-fairy tale siya. Mas mabuti pang ikuwento natin ang mga pangyayari. Suparr close(o feeling CLOSE) na kami ni Nathaniel. Sa palagay ko nga eh alam niya na na ako yung nagsulat sa kanya ng love letter. OO, love letter ba kamo? Ewan ko kung ano yung nasa isip ko non at di ako nag-atubili na magsulat ng lablitor. May nakalagay pa nga don: "Ipromise mo sa akin na hinding-hindi mo ipapabasa 'tong sulat na 'to kahit kanino o kung alam mo man na ako yung nagsulat nito, eh please, wag kang magpahalata na alam mo na." Diba, grabeng katangahan yan? =)) AMBAET TALAGA NIYA SUPARR. Di niya pinabasa kahit kanino, pinabasa niya lang sa lahat ng ka-close niya. TEKAAA. Lahat ata ka-close niya eh! Ownebermaynd. Kanina, nung Sosyal Istadis namin eh magkatabi kami supposed to be one seat ang pagitan namin dahil nasa gitna yung lola ko. WELL, di ko naman masabing kilig kasi NAHIHIRAPAN AKONG HUMINGA NUNG MGA ORAS NA YON. Paano ba naman, kaming dalawa nalang ang nasa likuran. Paano ba naman, nagsilipatan sa harap yung mga katabi ko kasi kumokopya ng lecture. Di ako makakopya ng lecture kasi nakaka-ilang. Hmm, may sense of humor naman siya kahit papano. Nakakaloko kasi hindi ako sa joke niya natatawa. Natatawa ako sa smile niya kasi ang sarap titigan with matching twinkling eyes niya pa diba. SUPAR BONGGA NIYAN. Well, bagong gupit siya and I must say mas gumwapo pa siya as evur. Naaalala ko nga kahapon, 3 hours kaming nagchat dahil sa report niya sa Social. Siyempre, todo support. =)) Kung dati eh, tinititigan ko lang siya nung may sakit siya, eh ngayon, maunlad na po! May halong usapan at tawanan, at may magkatabing factor pa! Oh, diba! BONGGA!

So ayun. Masaya naman yung field trip. Basta masaya. Ang hirap i-explain or ikuwento. All I can say is, Nagdub ako. =)) At nakabili na ako sa STARBUCKS for the first time. >:)

Ano pa bang nangyari sa akin? AYUN. Ang haba ng bakasyon dahil sa Bagyong Ondoy at Pepeng. Kaya tuloy, next week na ang P.T. namin. Grabeeeeeeeeeeh. Pinagsiksikan ang mga long test at quizzes ngayon week. ANG CHORVA. Nabasa ko pa sa diyaryo na walang sembreak, mas maikli ang X-mas vacay, at dinamay pa nila ang SUMMER VACAY! ampness diba? XD Eh di naman kami binagyo, kaya dapat pala nagklase nalang kami last week.

Okayy. Let's talk about today. Except sa kilig moments with Nate, nakakakaba yung English. nagrecite kami ng Don't Quit. Memorized ko naman kaso nung nasa spotlayt na ako, AWTS. Nakalimutan ko yung unang line! Sa lahat ng makakalimutan eh bakit yung unang line pa diba? Grabee. Siguro kung pinapanood ko yung sarili ko eh, gumugulong na ako sa sahig kakatawa. Tapos nakow. Nakakaloko yung Science namin. Practical exam. ANG DAMI KONG BLANK ANSWERS! SUNUD-SUNOD YUN. Nag-aral ako pero hindi parang may bouncer na hindi nagpapapasok dun sa mga inaral ko. Bukas namin che-check-an at panigurado na babagsak ako. So, nung MAPEH eh nagpunta kami sa Girls CR since exempted ang mga varsity. Nag-facebook kami gamit yung CP ni Lian. Eto namang si Danica eh manghang-mangha. At ngayon, dahil sa sobrang inggit, nakabili na siya ng Globe Tattoo at ginamit para mag-update sa Facebook. At feeling ko eh, pati ako naiinggit kaya parang bibili rin ako sa Sabado. ECHOS. HAHA. HAHAHA. HAHAHA. HAHAHA. Ayoko nang magkuwento tungkol sa T.L.E. dahil hindi niyo na dapat malaman. =))

Ayun. Next time na ulet. At napapagod na ang mga tamad kung mga daliri. =))

BYEEEEEEEEEEEEEE. =)


(back to the top.)